Sana all! PBBM, First Lady sweet na sweet sa kanilang date night

Sa kabila ng kanilang busy schedule, napapanatili pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang isang malusog at pangmatagalang relasyon na nararapat tularan ng bagong henerasyon.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Pangulo ang isang picture nila ng Unang Ginang habang nasa isang date night.

Makikita ang First Couple na sweet na sweet habang nagtatawanan at nagkukwentuhan sa kanilang salu-salo.

Sa kanilang Valentine’s Day vlog, ibinahagi ng First Couple na lumalabas sila at nagde-date tuwing Miyerkules ng gabi.

Kung hindi naman kakayanin ng schedule at busy ang Pangulo, mag-luluto aniya ito para sa kanilang dalawa, dagdag ng Unang Ginang.