SANA ALL! Mananaya sa QC nasolo P103-M Ultra Lotto jackpot

Naiuwi ng nag-iisang mananaya mula sa Quezon City ang jackpot prize sa Ultra Lotto na nagkakahalagang P103,439,627.60.

Naiuwi ng nag-iisang mananaya mula sa Quezon City ang jackpot prize sa Ultra Lotto na nagkakahalagang P103,439,627.60.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ibinola nitong Martes ng gabi ang winning combination na 09-56-36-07-55-54.

Sa Fishers’ Mall outlet sa Barangay Santa Cruz, Quezon Avenue tumaya ang maswerteng mananaya.

Samantala, dalawang iba pang mananaya ang nanalo ng P120,000 bawat isa para sa pagtama sa lima sa anim na winning number, habang 350 ang makakakuha ng P2,000 bawat isa para sa apat na tamang numero, at 9,842 ang tatanggap ng P100 bawat isa para sa tatlong tamang numero.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.