Sana all! Lolit Solis kumubra halos P2M sa kaarawan

Game na itsinika ni Lolit Solis ang halaga ng kanyang mga nakuhang regalo para sa kanyang ika-77 na kaarawan.

Game na itsinika ni Lolit Solis ang halaga ng kanyang mga nakuhang regalo para sa kanyang ika-77 na kaarawan.

Sa Instagram, ibinahagi ng kanyang kaibigan na si Salvi Asis ang video kung saan ikinukuwento niya ang mga nagbigay ng regalo sa kanya.

Aniya, nasa P1.9M kasi ang kanyang natanggap sa mga matatalik niyang kaibigan.

“Manay Lolit, kumita ng almost P2 million sa kanyang 77th birthday,” caption sa post.

Samantala, marami naman sa comment section ang napa-“sana all,” ganun din ang nagpaabot ng pagbati sa kanya.

PANOORIN: