Sana all ‘di drawing! Outing ng mga aso naghatid good vibes sa netizens

Nagbigay ng ngiti sa mga netizen ang viral video ng mga aso na nagtatampisaw sa dalampasigan sa Masasa Beach, sa Tingloy, Batangas.

Nagbigay ng ngiti sa mga netizen ang viral video ng mga aso na nagtatampisaw sa dalampasigan sa Masasa Beach, sa Tingloy, Batangas.

sa video na ibinahagi ng TikTok user na @slpslgmng, mapapanood na nagkukumpulan ang mga aso sa dagat, tila nagpapatanggal ng init dahil sa panahon.

Aniya, mabuti pa ang mga aso ay natuloy sa kanilang pag-a-outing.

“Buti pa ‘yung mga aso natuloy yung outing,” caption sa post.

Umani ang naturang post ng 2.1 million views habang nasa 338.6K naman ang pumuso nito.

PANOORIN:

@slpslgmng Buti pa yung mga aso natuloy Yung outing 🤣 #unwindtogether #fyp #foryoupage #slapsoilgaming #trend ♬ AWWWTING – Slapsoil Gaming