Sana all! Dalawa naka-jackpot sa Megalotto 6/45

Mahigit P70 milyon ang paghahatian ng dalawang mananaya matapos nilang makuha ang winning combination sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.

Mahigit P70 milyon ang paghahatian ng dalawang mananaya matapos nilang makuha ang winning combination sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.

Tumataginting na P70,879,526 ang paghahatian ng dalawang nanalo. Maswerte nilang tinamaan ang kombinasyon na 29-07-09-20-03-26.

Samantala, wala namang tumama sa kombinasyong 22-18-35-39-48-08 sa Grand Lotto 6/55 draw.

Pumalo na sa P82,609,283.80 ang premyo sa Grand Lotto.

Ang Mega Lotto 6/45 draw ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Samantala, ang schedule naman ng Grand Lotto ay tuwing Lunes, Miyerkoles, at Sabado.