Sana all! Batang Pinoy sinorpresa ni Beyoncé

Isang dalawang taong gulang na bata ang nakatanggap ng bonggang regalo mula sa sikat na singer-songwriter, Grammy winner, businesswoman na si Beyoncé.

Isang dalawang taong gulang na bata ang nakatanggap ng bonggang regalo mula sa sikat na singer-songwriter, Grammy winner, businesswoman na si Beyoncé.

Sa TikTok, ibinahagi ni Bea Fabregas ang video ng anak kung saan hawak nito ang bulaklak at stuffed toy na ipinadala ng American pop singer.

Ipinakita rin ni Fabregas ang screenshot ng pagpapadala sa kanya ng mensahe ng publicist ni Beyoncé.

Nakalagay sa mensahe: ““I am writing to you about the cutest video you posted with the little boy wanting to visit Beyoncé.”

“She [Beyoncé] would love to send something to him,” dagdag pa ng publicist.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Fabregas na napansin ni Beyoncé ang video ng kanyang anak.

“For the record [Beyoncé] and Tyler are now actually, officially friends! Through the power of Queen B’s internet (millions of views and likes it’s crazy!) she saw the video and sent over some of her favorite blue flowers, a new animal best friend for Tyler and the sweetest message that our family will now always treasure,” caption ni Fabregas.

Unang nakakuha ng atensyon ni Beyoncé ang isa pang viral video ng tsikiting, kung saan hinahanap niya ang naturang singer.

Ayon pa sa bata ay kilala niya si Beyoncé at isa ito sa kanyang mga kaibigan.

TINGNAN:

https://vt.tiktok.com/ZSFc6JKcc/