Sana all, ayos! 33% ng Pinoy, mas gumanda raw ang pamumuhay sa nakaraang taon

Bagaman mataas ang inflation at maraming mga pagsubok, 33% ng Pilipino ang nagsabing umayos naman ang buhay nila sa nakaraang taon, ayon sa isang survey na ginawa ng Social Weather Stations.

Sa nakalipas na isang taon, halos 33% ng Pilipino ang mas gumanda raw ang kalidad ng buhay, ayon sa isang survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa face-to-face interviews ng SWS sa 1,500 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao, 33% ang nagsabing mas gumanda ang buhay nila, samantalang 22% ang nagsabing mas lumala ito. Wala naman raw nagbago ayon sa 45% ng mga respondents ng survey na ginawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1.

Gayunpaman, mataas pa rin daw ang Net Gainers score, na nakuha naman sa pagbawas ng porsiyento ng gumanda ang buhay sa lumala. Para sa pag-aaral na ito, +11 ang naturang iskor.

Dagdag naman ng SWS non-commissioned ang nasabing survey at ginawa bilang serbisyo publiko.