SANA ALL! 2 mananaya hati sa P89M lotto jackpot!

Instant milyonaryo ang dalawang bettor na natamaan ang winning combination sa Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi.

Instant milyonaryo ang dalawang bettor na natamaan ang winning combination sa Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi.

Ang dalawang mananaya ay maghahati sa jackpot prize na P89,556,807.60.

Parehong nakuha ng dalawang lotto bettor ang winning combination na 28-16-18-29-14-09.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning ticket ay binili sa Cuneta Street, Bacoor, Cavite at New Public Market, Siocon, Zamboanga del Norte.

71 bettor naman ang nagwagi ng P50,000 matapos matumpakan ang limang numero; 2,832 naman ang may tig-P1,200 sa apat na numerong nakuha.