San Miguel sosolusyunan problema ng NAIA

Nasungkit ng consortium ng San Miguel Corporation (SMC) ang kontrata para mangasiwa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nasungkit ng consortium ng San Miguel Corporation (SMC) ang kontrata para mangasiwa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inanunsyo ito ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing nitong Biyernes.

Ang P170.6 billion project para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport ay pinag-agawan ng tatlong grupo.

Ngunit sa huli, ang SMC-SAP ang nakakuha ng proyekto matapos mag-bid ng 82.16 percent na revenue share sa gobyerno.

Batay sa timeline ng proyekto, inaasahan na ma-turnover ang operasyon ng NAIA sa September 11, 2024.

Ayon naman kay Transportation Undersecretary for Planning and Project Development Timothy John Batan, asahan na magiging mabilis ang improvement sa NAIA sa oras na hawakan na ito ng San Miguel.

Ilan sa sosolusyunan ng San Miguel ay ang pagsigurong gumagana ang mga elevator at escalator, pagpapaikli ng waiting time sa check-in at immigration, upuan sa pre-departure gate, at iba pa.

Klinaro rin ni Bautista na walang mawawalan ng trabaho kapag nangyari na ang turnover dahil lahat ay ma-absorb ng SMC-SAP consortium.