‘San galing yung P23 B?’: Mga senador nagkakagulo sa Senate building issue

Hindi maintindihan ni Senadora Nancy Binay kung saan hinugot nina Senate President Chiz Escudero at Senador Alan Peter Cayetano ang halagang P23 billion para sa pagtatayo ng New Senate Building.

Hindi maintindihan ni Senadora Nancy Binay kung saan hinugot nina Senate President Chiz Escudero at Senador Alan Peter Cayetano ang halagang P23 billion para sa pagtatayo ng New Senate Building.

Ayon kay Binay, mali ang sinasabi ng dalawa niyang kapwa mambabatas na umabot sa P23B ang pondo para sa bagong gusali ng Senado.

“Unang-una mali yung 23. Saan galing yang 23? Yan ang gusto ko itanong kay Senator Alan, kung saan mo ba nakuha yang 23,” wika ni Binay.

Giit pa ni Binay, magkaiba umano ng sinasabi sina Cayetano at Escudero tungkol sa pagpapatayo ng gusali.

“”Naguguluhan ako sa kanilang dalawa kasi Monday nag-announce si SP stop construction. Tapos Tuesday or Wednesday nag-announce si Sen. Alan Cayetano na hindi, tuloy ang Phase 1 and Phase 2,” wika ni Binay.

“Pero ang Phase 3 hinto, eh gusto ko sabihan, anong ipapahinto niyo sa Phase 3 e wala pa nsisimulan doon. Everything is on the drawing table pa lang,” aniya pa.

Pinunto rin ni Binay na ang sinasabing P8.9 billion ni Escudero ay hindi ang final amount para matapos ang New Senate Building dahil hindi pa kasama sa pondo ang interior ng gusali.

Aniya pa, noong simulan ang proyekto ay isa rin si Escudero sa nag-apruba dito.