Sampung mga daliri, sabog ang lima! Batang lalaki, putol ang 5 daliri dahil sa ‘dart bomb’ sa Central Luzon

Putol ang limang daliri ng isang kamay ng isang apat na anyos na batang lalaki sa Gitnang Luzon matapos sumabog sa kaniyang kanang kamay ang isang “dart bomb.”

Putol ang limang daliri ng isang kamay ng isang apat na anyos na batang lalaki sa Gitnang Luzon matapos sumabog sa kaniyang kanang kamay ang isang “dart bomb.”

Isa lamang ang kasong iyan sa mga bagong fireworks-related injuries (FRI) na naitala ng Department of Health (DOH), na nakapagtala na ng 115 FRI simula Disyembre 21.

Ang nasabing bata ay nagtamo rin ng mga paso sa kaniyang leeg dahil sa lakas ng pagsabog.

Kaya naman patuloy na nababahala ang DOH dahil tila madali lamang nakakakuha ng mga “deadly and illegal fireworks” kahit ang mga bata.

BASAHIN RIN: Sige, paputok pa kayo! Pinakabagong biktima ng paputok sa Central Luzon, naging bingi matapos mapinsala ang tainga—DOH

“We are thankful that the Department of the Interior and Local Government as well as many LGUs (local government units) are heeding the call to have community fireworks displays instead,” saad ng DOH. “We ask our police to crack down further on those selling illegal fireworks that find their way to destroy the hands and futures of Filipino children.”

Inaasahang mas dadami pa ang FRI na maitatala ng DOH matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.