Sampalin rin kaya ito ni VP Inday Sara? Gr. 5 na mag-aaral, patay matapos sampalin ng guro sa Antipolo

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang isang guro sa Antipoio matapos bawian ng buhay ang isang 14-anyos na mag-aaral na sinabunutan at sinampal umano niya.

Isang 14-anyos na estudyante ang namatay 11 na araw matapos umano itong sabunutan at sampalin ng kanyang guro.

Kinilala ang biktima na si Francis Jay Gumikib, isang Grade 5 na mag-aaral sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.

Ayon sa ina ni Francis na si Elena Minggoy, sinumbong lang umano ng bata sa kanyang maestra ang mga maiingay niyang kaklase nang siya pa ang pinagalitan. Pagkatapos nito, binalikan pa diumano ng guro si Francis at saka sinabunutan at sinampal.

Sa mga sumunod na araw ay nakaramdam na si Francis ng pagkahilo at pananakit sa may bandaing tainga nito. Nakapasok pa ng tatlong araw ang bata, subalit na-comatose ito bago bawian ng buhay noong Lunes, Oktubre 2.

Kaugnay nito, tiniyak ni Education Undersecretary Michael Poa na iniimbestigahan na ng Schools Division Superintendent ang insidente, at ipinaalam na ito kay Vice President Sara Duterte, na tumatayo ring Kalihim ng Department of Education.

Nakakaharap naman sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang guro kung mapapatunayang nagkasala.