Sampalin na ‘yan: VP Sara, tiniyak na mabibigyang hustisya ang estudyanteng namatay matapos sampalin ng guro

Mananatiling suspendido ang guro na sangkot sa pagsampal sa namatay na mag-aaral, ayon sa opisyal.

Nangako si Bise Presidente at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa mga kaanak ni Francis Jay Gumikib na gagawin ng ahensiya ang lahat upang mabigyang hustisya ang bata.

Si Gumikib ay ang grade 5 na estudyante ng Peńafrancia Elementary School na namatay dahil sa global brain edema matapos itong sampalin ng kaniyang guro.

“Paniniguraduhin ng DepEd na mas maging mabilis ang mga administratibong proseso nito,” pagtitiyak ni Duterte post nito sa X (dating Twitter).

Dagdag pa niya, hanggang Oktubre lamang ang ibinigay niya sa DepEd Regional Office ng Antipolo City upang tapusin ang imbestigasyon nito ang mag-file nga mga kaukulang kaso.

Tiniyak rin ni Duterte na mananatiling suspendido ang gurong nanampal umano kay Gumikib habang tumatakbo ang imbestigasyon.

Nangako rin siya na bibigyan ng karapatang tulong ang pamilya ng bata, lalo ang kaniyang mga kapatid na na-trauma diumano sa insidente.

“Tutulungan ng DepEd ang mga magulang ng mga mag-aaral sa paghahain ng mga kasong kriminal sa mga kinauukulang awtoridad kung may basehan ito sa ebidensya at autopsy result,” sabi pa ni Duterte, na nauna nang pinaalalahanan ang mga guro na huwag sasaktan ang mga estudyante nito.