Sama-sama, tulong-tulong sa pagbabago: Lahat dapat may ambag tungo sa Bagong Pilipinas—PBBM

Sa kaniyang mensahe para sa Bagong Taon, hinimok ni Pangulong Marcos ang bawat Pilipino na maging “catalyst for our country's meaningful social transformation” sa harap ng panibagong pagkakataong dala ang pagdating ng 2024.

Kaisa ng sambayanang Pilipino si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsalubong sa Bagong Taon, at sa kaniyang mensahe ay hinimok niya ang lahat na mag-ambag para sa kinabukasan ng Inang Bayan.

Aniya, dapat maging “catalyst for our country’s meaningful social transformation” ang bawat Pilipino lalo’t mayroong panibagong pagkakataong dala ang pagdating ng 2024.

“As we welcome 2024 with great optimism, I call upon every Filipino from every corner of the world to contribute to the future of our beloved motherland,” sa kaniyang mensahe nitong New Year’s Eve.
Hinikayat rin niya na magkaisa ang mga Pilipino tungo sa pagbabago.

“Let us embody the spirit of solidarity through acts of kindness, volunteerism, and compassion, knowing that each of us is a catalyst for our country’s meaningful social transformation,” dagdag ng pangulo.

Binigyang-diin rin ni Marcos ang kaniyang mithiing “Bagong Pilipinas”—na dapat aniyang maging mithiin rin ng bawat mamamayan.

“Let the dream of a revitalized Philippines—a Bagong Pilipinas—guide our every endeavor as we bring forth peace, progress, and prosperity for all,” saad pa ni Marcos.