Sama-sama sa pag-angat: PBBM, isusulong ang mga proyekto ng ASEAN tungo sa kaunlaran

Sa ngayon ay isa ang Japan sa mga pangunahing katuwang ng ASEAN pagdating sa ekonomiya, at patunay diyan ang $20.4 bilyong Foreign Direct Investment galing dito.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isusulong niya sa Japan ang mga inisyatibo at proyekto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makatutulong sa pag-unlad ng rehiyon.

“I will highlight that the ASEAN-Japan relationship has inexorably evolved and progressed over the past five decades, particularly in shared commitment towards peace and security, trade and investment, food security, climate action, energy security, supply chain resilience, infrastructure development, and now, connectivity,” saad ng pangulo sa kaniyang talumpati sa kaniyang pag-alis patungong Tokyo para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Aniya, bibigyang-diin niya sa nasabing pagpupulong kung paano umunlad ang relasyon sa pagitan ng Japan at ASEAN sa mga nagdaang taon.

“I shall reassure ASEAN Member States and Japan that, as permanent country coordinator for ASEAN-Japan Economic Relations, the Philippines will always continue to shepherd ASEAN initiatives and projects with Japan not only to co-create a region of economic prosperity but also an inclusive society that is ready for the future,” aniya.

Sa ngayon ay isa ang Japan sa mga pangunahing katuwang ng ASEAN pagdating sa ekonomiya, at patunay diyan ang $20.4 bilyong Foreign Direct Investment galing dito.