Saludo sa isang alamat! Senado, nakiramay, nagbigay-pugay kay BF

Lubos na ikinalungkot ng mga senador ang biglaang pagpanaw ni dating Marikina Rep. Bayani “BF” Fernando nitong Biyernes, Setyembre 22 dahil sa isang aksidente

Lubos na ikinalungkot ng mga senador ang biglaang pagpanaw ni dating Marikina Mayor Bayani “BF” Fernando nitong Biyernes, Setyembre 22 dahil diumano sa isang aksidente.

Isa si Senate President Juan Miguel Zubiri na nagbigay ng pahayag hinggil sa pagpanaw ng dating mayor, na tinawag na “visionary” ni Zubiri.

“I am shocked and saddened by the tragic passing of our colleague, congressman, chair, and mayor Bayani Fernando of Marikina City,” ani Zubiri. “In making our cities liveable, he translated his concepts into concrete achievements, to show us by example that what are initially deemed as impossible can indeed be done.”

Ayon pa kay Zubiri, isang “human dynamo” si Fernando, na kilala sa kaniyang sipag at sa pagiging una lagi sa serbisyo. Pinapurihan rin ni Zubiri ang “never-say-die, can-do spirit” ng Pilipino, na aniya ay isa sa mga dahilan kung bakit nakilala ang dating mayor ng Marikina.

Pinuri naman ni Senador Francis Tolentino ang pagiging innovative at creative ni Fernando bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority.