Salon sa Camalig, nasalisihan ng babaeng nagpanggap na manikurista

Sinabi umano ng suspek sa biktima na nais niyang mag-apply sa salon bilang manikurista.

ALBAY- Nanawagan sa social media ang isang may-ari ng salon sa bayan ng Camalig matapos siyang mabiktima ng salisi ng isang babaeng nagpakilalang manukurista noong Lunes, Oktubre 9.

Sa Facebook post, ikinuwento ng biktima na nitong Lunes ay nagpunta ang babaeng suspek sa kanyang salon at nag-apply. Dahil sa ipinakitang galing sa pagma-manicure, foot spa, at massage, nakumbinsi ang biktima kaya hindi na ito naghanap pa ng mga personal na dokumento.

Kinabukasan ay bumalik aniya ang suspek para magsimula sa kanyang trabaho pero bigla nakita ng suspek ang mga lumang damit ng kanyang anak saka nagpresentang ibenta. Kaya hindi na raw siya nagdalawang-isip pa at tuluyan na itong nagpaalam na uuwi muna.

Dakong alas-5:00 ng hapon ng parehong araw nang malaman ng kanyang anak na nawawala ang kanyang dalawang iphone, wallet na may lamang pera at iba pang ID. Kaya agad naman itong ini-report sa mga otoridad at mismong mga gamit ng suspek ang nakita sa bahay na tinutuluyan nila kaya hindi na nagdalawang isip na ikumpirma na ito ang suspek sa pananalisi.

Aminado naman ang biktima na agad siyang nagtiwala at kahit ang address ng kanilang tinultuluyan ay naibigay niya kaya mensahe niya sa publiko na huwag magtitiwala agad kung kani-kanino lalo na kung wala itong maipakitang mga legal na dokumento ng pagkakakilanlan.