Salamat, VP Sara! Romualdez, pinapurihan ang desisyon ni VP Duterte sa CIF, tiwalang matatag pa rin ang UniTeam

Sinabi rin ni House Speaker Martin Romualdez na tiwala siyang gaganda pang muli ang ugnayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng mga Duterte.

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Bise Presidente Sara Duterte na huwag nang habulin ang confidential funds nito sa panukalang national budget para sa 2024.

“I believe that’s the right decision and we hail VP Sara’s decision,” saad ni Romualdez sa isang panayam matapos ang flag raising ceremony ng House of Representatives nitong Lunes, Nobyembre 13.

Kaugnay niyan, sinabi rin ng Speaker na tiwala siyang gaganda pang muli ang ugnayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng mga Duterte.

“Always. I’m very very hopeful,” ani Romualdez hinggil sa pag-aayos sa lumalabong ugnayan ng dalawang panig.

Binigyan-diin naman ni Romualdez na buo pa rin ang tinatawag na UniTeam.

“Well we always work together it’s still a UniTeam… As they always say, there will always be differences but we will always work towards resolving those differences for the service of the Filipino people,” sabi pa niya.