Salamat sa serbisyo, mga Sir! PBBM, pinapurihan ang AFP, tiniyak ang patuloy na suporta ng gobyerno

Buong-buo ang suporta ng pangulo sa Hukbong Sandatahan, lalo na't lagi itong nasa gitna ng sigalot at tensiyon, sa loob at labas ng bansa.

Pinurini Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ika-88 anibersaryo nito dahil sa walang patid na serbisyo nito at katapangan sa harap ng mga sigalot.

Partikular na kinilala ni Marcos ang “responsible and dignified” na diskarte nito sa pagtugon sa isyung kinakaharap ng bansa kahit pa binubuyo na ito nang paulit-ulit.

Kaya naman tiniyak ng pangulo sa AFP na patuloy na susuportahan ng pamahalaang Marcos ang hukbong sandatahan sa pamamagitan ng mga proyekto at inisyatibo na magpapalakas sa kapasidad ng militar.

Partikular na rito ang kakayahan ng AFP na ipaglaban ang Pilipinas sa mga banta ng banyaga.

BASAHIN RINWalang na silang pinipili! AFP chief, naranasan mismo ang panggigipit ng China sa resupply mission ng Pilipinas patungong Ayungin Shoal

Aniya, mahalaga ang suporta ng pamahalaan dahil laging nasa gitna ng tensiyon at sigalot ang AFP, gaya na lamang ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, hinimok rin ng pangulo ang AFP na ituloy lamang nito ang walang sawang serbisyo nito sa bayan.

“As you continue to play a vital role in the government’s various initiatives, it is my fervent hope that your institution will remain relentless in countering lawless elements that intend to sow fear and distrust amongst our people,” aniya.

BASAHIN RIN: Unti-unting nagiging moderno: Philippine Navy, may panibagong gunboat uli mula Israel