Salamat sa serbisyo, kaya dagdag benepisyo! PBBM, aprubado na ang rice subsidy, serbisyong medikal para sa mga sundalo

Tiniyak ng pangulo na all-out ang suporta ng administrasyong Marcos sa mga sundalo ng bansa, kanya nakatuon ito sa kapakanan ng bawat miyembro ng Hukbong Sandatahan. Patunay nyan aniya ay ang pagtaas ng pondo ng buong Department of National Defense para sa 2024.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaprubahan na niya ang pondo para sa rice subsidy at mas magandang mga serbisyo medikal para sa mga sundalo ng Hukbong Sandatahan.

“Beyond duty, we prioritize their daily lives. I have approved a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support,” sinabi ng Pangulong Marcos sa isang Facebook post.

Tiniyak rin ng pangulo na all-out ang suporta ng gobyerno sa mga sundalo ng bansa, kanya nakatuon ito sa kapakanan ng bawat miyembro ng Armed Forces of the Philippines. Patunay nyan aniya ay ang pagtaas ng pondo ng buong Department of National Defense para sa 2024.

“With an increased 2024 budget for the DND, we’re dedicated to ensuring the well-being of our uniformed personnel and their families. This commitment is evident in our support for the Revised AFP Modernization Program and the Pension and Gratuity Fund, ensuring financial stability for military and civilian personnel,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay halos ng anunsyo ang ginanap ng pagtanggap ng Malacañang sa liderato ng (AFP) at Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Enero 17. Kabilang sa mga dumalo sa New Year’s call ng Palasyo sina Presidential Adviser on Police and Military Affairs Secretary Roman Felix, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr.