Salamat sa libreng endorsement, PCSO! Blouse na ginamit sa edited lotto winner picture, mabibili nationwide sa Kamiseta!

Ang naturang gamit ay gawa ng Kamiseta, isang lokal na kompanyang gumagawa ng mga damit pambabae. Natunton na rin ng mga netizen ang link sa nasabing blouse.

Mabibili na ngayon sa KCC Mall sa General Santos City ang damit sa nag-viral na litratong nilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagpapakita diumano sa isang masuwerteng mananaya na nanalo ng grand prize.

Sa katunayan, ipinost pa ng KCC Mall of Gensan sa kanilang Facebook page ang litrato ng damit, na may caption na “Dili man siguro ‘to edited, available man diri sa Kamiseta ang blouse” (Hindi edited, pero mabibili rito ang blouse sa Kamiseta).

BASAHIN RIN: Kulang siguro ng budget para sa dekalidad na artist! PCSO, aminadong edited ang litrato ng nanalo diumano ng jackpot

Ang naturang gamit ay gawa ng Kamiseta, isang lokal na kompanyang gumagawa ng mga damit pambabae.

Samantala, natunton na rin ng mga netizen ang link sa nasabing damit.

“Pamilyar merch gaming… nice one, PCSO,” sabi ng isang Facebook user na nag-share ng link ng damit.

Una nang inamin ng PCSO na sadyang dinoktor ang nag-viral na litrato para protektahan daw ang pagkakakilanlan ng nanalo.