Salamat po, sir! DOTR, nagpasalamat kay PBBM sa pagsertipika bilang urgent ng Magna Carta of Filipino Seafarers bill

Handang sumuporta ang Department of Transportation (DOTr) sa Senado upang masiguro ang mabilis na pagpasa ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Nagpasalamat ang Department of Transportation (DOTr) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagsertipika bilang urgent ang pagpasa sa panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na suportado nito ang agarang pagpasa sa panukalang batas na makakatulong sa mga Filipino seafarers.

“The DOTr has long advocated for the legal support to protect and empower Filipino seafarers,” ani Bautista.

Handa ang kagawaran na magbigay ng buo nitong suporta para matulungan ang Kongreso na isulong ang pagpasa nito.

Una nang sinabi ng Palasyo na layunin ng panukalang batas na tugunan ang kakulangan sa batas at polisiya para makasunod ang bansa sa mga umiiral na international maritime standards, at karagdagang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga seafarer.

Kasama ito sa 20 na prayoridad na batas ni Pangulong Marcos na hiniling niya sa Kongreso na ipasa bago matapos ang taon.