Salamat ng marami! PBBM, nakasungit ng halagang $120-milyong investment mula Saudi Arabia

Matagumpay ang pagpunta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia, kung saan nakumbinsi niya ang ilang business leaders nito na mamuhunan sa bansa. Tinatayang higit sa 15,000 na trabaho ang mabubuksan dahil sa mga investments na ito.

Tinatayang $120 milyong halaga ng investment agreement ang pinirmahan ng Pilipinas at Saudi Arabi, na magbibigay naman ng trabaho sa higit 15,000 Pilipino.

Iyan ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes, Oktubre 19, sa pagtatapos ng unang araw ng kanyang pagbisita sa Saudi Arabia.

“With an estimated value of over $120 million, the agreements that will be signed today are set to benefit more than 15,000 Filipinos in training and employment opportunities across a wide range of professions in the construction industry,” sabi ni Marcos sa kaniyang pahayag.

Ibinida rin ni Marcos na ang kaniyang mga pulong kasama ang mga business leaders ng Saudi Arabia ay napapanahon dahil makatutulung ito sa “high growth trajectory” ng ekonomiya ng bansa, na pinatunayan aniya ng 7.6 porsiyentong pagtaas ng gross domestic product ng Pilipinas noong 2022.

“Indeed, the Philippines’ economic achievements in the past year reflect the sustained efforts of this administration, supported by the private sector, in fostering an enabling business environment, cutting red tape, lowering the cost of doing business, and improving competitiveness,” paliwanag pa ni Marcos.

Tiniyak rin ni Marcos na patuloy na susuportahan ng kaniyang pamahalaan ang mga business leaders ng Saudi Arabia na mamumuhunan sa Pilipinas.