Salamat Mayor Baldo sa Japan gov’t sa Donasyon ng Sako-sakong Bigas

Ang bongga! Binati ni Camalig Mayor Carlos Irwin “Caloy” Baldo, Jr. ang gobyerno ng Hapon dahil sa pagbibigay ng libu-libong sako ng bigas sa mga Albayano na naapektohan ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon.

Binigyan diin ni Baldo na ang kabaitan ng Hapon ay nagbibigay ng mas malinaw na pag-asa sa mga evacuees na halos 70 na araw nang nawalay sa kanilang mga tahanan dahil sa pag-aalburoto ng Mayon.

Bilang tandaan, nag-donate ang Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries (MAFF) ng Japan ng 300 metric tons na katumbas ng 10,000 sako ng bigas para sa Albay.

Ayon sa LGU ng Calamalig, aabot sa 980 pamilya, o 3,465 katao mula sa mga barangay ng Sua, Anoling, Quirangay, at Tumpa sa Camalig, Albay na apektado ng Mayon, na kasalukuyang naninirahan sa pitong evacuation centers ng bayan, at iba pang pamilya mula sa Daraga, Guinobatan, Malilipot, Sto. Domingo, Tabaco, at Ligao City ang makikinabang sa donasyon ng bigas mula sa Japan.

Inisa-isa rin ni Baldo ang kanyang pasasalamat sa Provincial Government ng Albay, National Food Authority (NFA), Department of Agriculture (DA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang patuloy na suporta.

Sinabi ni Embassy of Japan in the Philippines Minister for Economic Affairs, Mr. Nihei Daisuke na ang inisyatibo ay patunay ng pangako ng Japan na tumulong sa mga taong nangangailangan.

“Sana’y maabot ang mga sakong bigas na ito sa maraming tao, dahil itong pagsusumikap na ito ay nagpapakita ng malawakang suporta ng Japan sa mga Pilipinong naapektohan ng mga kalamidad,” sabi ng Ministro sa turnover ceremony ng donasyon ng bigas.