Salamat kay Romualdez! P4K dagdag sa PhilHealth benefits ikinatuwa ng dialysis patients

Ikinatuwa ng mga pasyenteng may chronic kidney disease ang pagtulak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mapataas ang dialysis treatment benefit ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ikinatuwa ng mga pasyenteng may chronic kidney disease ang pagtulak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mapataas ang dialysis treatment benefit ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Magiging P4,000 kada sesyon na ang benepisyo ng dialysis coverage ng PhilHealth mula sa P2,600 dati.

Ayon kay Gerwin Acepcion Castor, isang hemodialysis patient, malaking tulong para sa kanyang pamilya ang itinaas na benepisyo ng PhilHealth.

“Okay po sa akin yung increase na maging P4,000 kasi malaking tulong sa ibang bayarin pa dito. Sana ‘dun napupunta sa ibang bayarin namin. Salamat po sa Kongreso sa pagsulong niyo sa PhilHealth para ang mga pasyente na kagaya ko, wala kaming babayaran tuwing salang ng session namin,” aniya.

Ganito rin ang paniniwala ni Jamaica Mutia Del Rosario, 17 taong gulang at isang CKD patient.

“Mas okay po na taasan nila ang benepisyo, from P2,600 to P4,000 para kahit papano makatipid kami sa iba pong gastusin lalo napo sa pagda-dialysis po,” sabi ni Del Rosario.

Nagpasalamat naman si Romualdez kila PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. at Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa para sa apruba sa kanyang panukala.

Hiling din niya sa ahensya na gawing libre ang laboratory test at mammogram bilang benepisyo ng PhilHealth.