Salamat, Kabayan! PBBM, pinasalamatan, pinapurihan ang Filipino community sa America

Pinasalamatan at pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ambag ng Filipino community sa Pilipinas at maging sa Estados Unidos.

Pinasalamatan at pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ambag ng Filipino community sa Pilipinas at maging sa Estados Unidos. Hinimok rin niya suportahan nito ang mga reporma niya para sa bansa.

“On behalf of our countrymen back home, I appreciate the remittances that you have sent, and continue to send. Personal remittances over—ganito na kalaki, 2.2 percent rose—bawat taon umaakyat,” saad ni Marcos sa kaniyang diyalogo sa Filipino community sa Los Angeles, California.

Aniya, malaki ang nautulong nito upang malampasan ng bansa ang iba’t ibang krisis nitong mga nakaraang taon.

“What you have helped our country and people weather some of the most difficult global and regional financial and economic crisis in—for many, many years has been invaluable and for that we cannot thank you enough,” sabi ng pangulo.

Hiningi rin niya sa mga ito ang patuloy na suporta sa kaniyang pamahalaan sa pagiging “ambassadors” ng kulturang Pilipino at “relentless champions of the Philippines as a tourism, trade, and investment destination in Asia.”