Salamat, Fumio-san! Ugnayang Pilipinas-Japan, tampok sa pagbisita, pagtalumpati sa Kongreso ng Japanese PM–Romualdez

Magsasagawa ng special joint session ang Kongreso sa Sabado, Nobyembre 4, upang magbigay daan sa talumpati ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na magpupunta ng Pilipinas para sa isang state visit.

Patitibayin at palalakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan tungo sa pandaigdigang kapayapaan and kaunlaran sa pagbisita ni Prime Minister Fumio Kishida simula Biyernes, Nobyembre 3, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag ngayong Miyerkules, Nobyembre 1, sinabi ni Romualdez na magtatalumpati si Kishida sa isang special joint session ng Kongreso sa Sabado, Nobyembre 4.

Ayon sa opisyal, maraming tatalakaying usapin sa pagbisita ni Kishida at ng kanyang maybahay na si Yuko sa Kamara kung saan gagawin ang special joint session.

“The visit is expected to cover a wide range of very important topics, with a focus on strengthening the excellent relations and exploring opportunities for the two countries,” ani Romualdez

“The Philippines and Japan are committed to turning the two-day visit into concrete collaborations that will not only strengthen bilateral relations but also contribute to global peace and prosperity,” dagdag pa niya.

Sinisimbolo ng pagbisita ni Kishida ang malalim na ugnayang pinatibay ng panahon sa pagitan ng dalawang bansa, at ang parehong hangarin sa mapayapa at maunlad na rehiyong Asya-Pasipiko.

“The House of Representatives, as the honored venue host of this significant event in the Batasang Pambansa Complex, is committed to exerting all efforts to ensure that Prime Minister Kishida’s visit is both fruitful and memorable,” aniya.

“On behalf of the Filipino people, I extend our heartfelt appreciation to Prime Minister Kishida and wish him a successful and impactful visit,” dagdag pa ni Romualdez.

Ito na ang ikalimang beses na may lider ng bansa ang magtatalumpati sa isang joint session ng Kongreso.

Naunang bigyan ng karangalan sina Pakistan President Pervez Musharraf noong Abril 2005; China President Hu Jintao noong Abril 2005 rin; US President George W. Bush noong 2003; at US President Dwight Eisenhower noong 1960.