Sakto sa tag-init: Cooling tower sa NAIA nasira

Nag-abiso ang management ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may ilang sirang cooling tower sa Terminal 3 dahilan para makaramdam ng init ang mga pasahero simula noong weekend.

Nag-abiso ang management ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may ilang sirang cooling tower sa Terminal 3 dahilan para makaramdam ng init ang mga pasahero simula noong weekend.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), dalawang cooling tower sa Terminal 3 ang nasira.

Nitong Linggo ay patuloy pa ring ginagawa ang dalawang cooling tower.

“This technical challenge regrettably resulted in warmer temperatures inside the terminal. To mitigate the impact, evaporative fans have been strategically placed in critical areas to enhance air circulation and provide localized cooling, offering relief to passengers and staff during this temporary disruption in the air-conditioning system,” ayon sa MIAA.

Dahil diyan, ilang pasahero sa NAIA Terminal 3 ang nagreklamo dahil sa matinding init sa loob ng airport.

May ilang nagdala ng pamaypay at mga rechargeable fan para maibsan ang init na nararamdaman sa airport.