Sakit daw sa ulo! Raffy walang plano tumakbong presidente – Erwin Tulfo

Nilinaw ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na walang planong tumakbo ang kanyang kapatid na si Senator Raffy Tulfo bilang Presidente ng bansa sa 2028.

Nilinaw ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na walang planong tumakbo ang kanyang kapatid na si Senator Raffy Tulfo bilang Presidente ng bansa sa 2028.

Kamakailan ay isa si Senador Tulfo, kapantay si Bise Presidente Sara Duterte, sa nanguna sa presidential preference survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Sa isang panayam, binanggit ni Rep. Tulfo na nakausap niya si Raffy at wala umano itong balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

“Napag-usapan ‘yan and he said no,” saad ni Rep. Tulfo.

“He doesn’t want to run because it’s a major, major headache,” pahayag nito.

Samantala, nanguna rin si Rep. Tulfo sa OCTA Research survey hinggil sa mga pinipiling kandidato sa Senado para sa 2025 midterm polls.

Maging ang isa pa nilang kapatid na brodkaster na si Ben Tulfo ay nakasama rin sa senatorial preference survey.