Sagot kayo ni Speaker: Romualdez, tumulong sa mga Pilipinong namatay sa bakbakang Israel-Hamas

Umabot na sa tatlong ang namatay na Pilipino sa nagpapatuloy na karahasan sa Israel at Gaza, na bunsod naman ng naunang pag-atake ng militanteng grupong Hamas sa ilang bahagi ng Holy Land.

Bibigyan rin ng financial assistance ni House Speaker Martin Romualdez at ng kaniyang maybahay na si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang naulila nang ikatlong overseas Filipino worker na namatay dahil sa nagaganap na karahasan sa Israel at Gaza.

Inanunsiyo ni Speaker Romualdez na bibigyan nilang mag-asawa ng P500,00 ang pamilya ng biktimang taga Negros Occidental.

Nauna rito, nangako na rin ang mag-asawang Romualdez na bibigyan nila ng financial assistance ang unang dalawang Pilipinong namatay sa giyera, na nagsimula noong Oktubre 7 nang atakihin ng militanteng grupong Hamas ang Israel.

Sa kabuuan, P1.5 milyon na ang ipapamahagi ng mag-asawang Romualdez sa mga naulila ng tatlong OFW, na pawang mga caregivers.

Samantala, hinikayat na ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino sa Gaza na uwumi nalang muna bungsod ng patuloy na labanan ng Israel at Hamas.