Sagot kayo ng gobyerno: PBBM sa mga ahensya: Tulungan ang mga naulila ng mga nasawing Pinoy sa Israel

Sa kasalukuyan ay tatlong Pilipino na ang namatay gawa ng karahasan sa Israel at Gaza. Nangako naman ang pangulo na tutulungan niya at ng pamahalaan ang mga naulila ng tatlo.

Magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng pinansyal na tulong sa pamilya ng tatlong Pilipinong nasawi sa Israel na nagkakahalaga ng P200,000.

Pinapahanda na ni Pangulong Ferdinand Marcos ang tulong pinansyal ayon sa Presidential Communications Office.

Magpapaabot din ng tulong ang Department of Migrant Workers ng halaga P50,000 sa bawat pamilya na naulila.

Ang OWWA at DMW na rin ang sasagot ng gastos sa lamay at libing ng mga nasawi, at aabot ito ng P20,000. Kasama na rin sa tulong na ibibigay na gobyerno ang pag-uwi sa mga labi nila.

Inutusan na rin ni Marcos ang DMW, OWWA, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng educational at livelihood assistance ang mga anak ng mga nasawi.

Nagbigay din ang pangulo ng medical at psychological support sa mga naulilang pamilya sa tulong ng Department of Health.