Sagad sa tibay! De-kalidad na imprastraktura tiniyak ni PBBM

Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga itatayong imprastraktura sa ilalim ng kanyang administrasyon ay 'di magigiba sa gitna ng banta ng malalakas na bagyo at sakuna.

Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga itatayong imprastraktura sa ilalim ng kanyang administrasyon ay ‘di magigiba sa gitna ng banta ng malalakas na bagyo at sakuna.

Sa isang video, nangako ang pangulo na paiigtingin ng kanyang administrasyon ang pagtatapos ng mga sinimulang infrastructure projects ng nakaraang administrasyon.

“Under the Build Better, More (BBM) program, we will intensity ongoing infrastructure projects,” wika ni Marcos.

“Construction of ours will be extended and emergency repairs will be conducted round the clock to ensure timely completion,” saad pa ng pangulo.

Aniya pa, sisiguruhin niya na ang mga itatayong imprastraktura ay matitibay lalo na sa gitna ng banta ng climate change.

“In the face of climate change, we will green light projects that meet quality requirements. Para hindi napeperwisyo ang publiko sa mga substandard na imprastraktura na kailangang paulit-ulit ayusin pagkalipas ng ilang taon lamang o pagkatapos ng bagyo,” dagdag pa ni Marcos.

Naniniwala ang pangulo na ang mga bagong imprastraktura ay kailangan upang maibsan ang problema sa trapik.