Safe house ni Bantag, ginalugad ng NBI

Patuloy ang pag-hunting ng mga awtoridad kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na prime suspect sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Patuloy ang pag-hunting ng mga awtoridad kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na prime suspect sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), pinasok nila ang isa umanong safe house ni Bantag sa Laguna at Caloocan.

Ito’y matapos na makatanggap sila ng impormasyon na may nagpupunta umano sa mga property ni Bantag.

Dala ang warrant of arrest ay pinasok ng NBI ang dalawang bahay ng dating BuCor official ngunit wala silang naabutang tao doon.

Nakuha naman nila ang ilang bala at frame ng wooden rifle.

Samantala, kinumpirma naman ng mga residente ng lugar na may nagtutungo sa bahay ni Bantag, ngunit umaalis din agad ang mga ito makalipas ang 15 minuto.

Sinarado na ng NBI ang dalawang safe house, at naglagay ng wanted poster na may P2M reward ang makapagtuturo kay Bantag.