Sadista! Kuting pinaghahampas ng lolo sa Makati, patay

Namatay ang isang kuting matapos itong pagpapaluin ng isang lalaki sa Barangay Olympia sa Makati City nitong Linggo.

Namatay ang isang kuting matapos itong pagpapaluin ng isang lalaki sa Barangay Olympia sa Makati City nitong Linggo.

Ayon sa nakasaksi, binalak niya sanang kuhanin ang kuting dahil duguan na ito, subalit natatakot umano siya na baka siya ang hampasin ng matandang lalaki dahil may bitbit itong pamalo.

“Akala ko po kung ano ‘yung inaano niya sa damuhan. ‘Yun pala po ‘yung pusa nakita ko nag-iiyak. Bigla po akong napatakbo, pinagpapalo na po pala niya,” pahayag ni Zielfa Jesura.

“Kukunin ko po sana ‘yung ano (kuting), baka ako naman ‘yung paluin niya. Dugo-dugo na po siya, nakakaawa,” dagdag pa nito.

Agad namang kinuhanan ni Jesura ng video ang insidente atsaka tumawag ng tulong sa mga awtoridad.

Ngunit paliwanag ng suspek, nais lang umano niyang tabuyin ang kuting at nanay nito, subalit muntik na umano siyang kalmutin ng pusa sa mata.

“Gusto ko lang talagang paalisin. Hindi ko talaga gustong patayin ‘yung hayop na ‘yun. Kaya lang, wala akong magagawa. Biglang parang kinalmot. Muntik na kong tamaan sa mata e. Kaya nag blackout na ako,” sinabi ng suspek.