‘Sad naman’: Resort sa gitna ng Chocolate Hills, ikinalungkot ni Anne Curtis

Gaya ng karamihan, ikinalungkot ng aktres na si Anne Curtis ang pagtatayo ng swimming pool sa Chocolate Hills, na kinilala ng UNESCO na kauna-unahang global geo-park sa bansa.

Gaya ng karamihan, ikinalungkot ng aktres na si Anne Curtis ang pagtatayo ng swimming pool sa Chocolate Hills, na kinilala ng UNESCO na kauna-unahang global geo-park sa bansa.

“Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country 😭,” saad ni Anne sa isang X (Twitter) post.

Maraming netizens ang nagtaas ng kilay sa pagtatayo ng resort.

Giit nila, hindi tama na magtayo ng mga establisimiyento sa burol lalo pa’t posibleng masira ang natural formation ng Chocolate Hills.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nagpadala na sila ng team ulang inspeksyunin ang resort na napag-alamang binigyan ng closure order noong nakaraang taon.