Sachzna Laparan ibinunyag pangmomolestya ng kamag-anak

Ibinunyag ng aktres na si Sachzna Laparan ang naranasang panghahalay ng kanyang malayong kamag-anak noong siya ay bata pa.

Ibinunyag ng aktres na si Sachzna Laparan ang naranasang panghahalay ng kanyang malayong kamag-anak noong siya ay bata pa.

Sa YouTube vlog na ToniTalks, ibinahagi ni Sachzna ang detalye sa tuwing pumapasok sa kanyang kwarto ang kamag-anak.

Aniya, sinubukan pa umano niyang magtago sa aparador subalit nakikita pa rin siya nito.

“Maraming beses kasing nagagawa. Nandoon ‘yung hawak, paghipo sa private parts ko, tapos ‘yung ari niya pinapasok niya sa bibig ko,” kwento ni Sachzna.

Sinabi rin ni Sachzna na hindi umano siya makapagsumbong sa kanyang lolo at lola dahil tinatakot umano siya ng nasabing kamag-anak na papatayin ang kanyang pamilya.

“Tapos sinasabi niya na, ‘Kapag sinasabi mo ito papatayin ko ‘yung lolo at lola mo’ na may ipinapakita siyang kutsilyo. ‘Yung mama mo hindi mo na makikita,’ ganyan. Sila lang ‘yung meron ako noon kaya lalo akong natatakot,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, hindi pa umano nanghihingi ng tawad ang nangmolestya sa kanya subalit pinapatawad niya na ito.

Dagdag pa riyan ay patuloy ding tumatanggap ng gamutan ang aktres para sa kanyang borderline personality disorder, na resulta ng kanyang naranasan.