Sablay na gimik? Graduation ceremony sa Davao, inulan ng batikos!

Umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang graduation rites ng Kapalong College of Technology, Inc. sa Davao del Norte.

Umani ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang graduation rites ng Kapalong College of Technology, Inc. sa Davao del Norte.

Ito’y matapos muling kumalat sa TikTok ang video, na pinost noong 2023, ng mga estudyanteng sumasayaw matapos iabot sa kanila ang diploma.

Comment ng isang Facebook user: “Por Dios, por santo! Aren’t graduation rites [supposed to] be solemn? Why were these allowed? Who allowed these? Why? WHY?”

Makikita pa nga sa video ang pag-twerk ng ilang estudyante.

“School [pa ba] ‘to oh dog show?” sabi naman ng isa pang netizen.

Kinwestiyon din ng isang TikTok viewer ang pakulo ng pamantasan kung bakit pinahintulutan ang mga mag-aaral na gawin ito. Aniya, ang graduation rite ay isang okasyon na dapat seryosohin at pahalagahan ng mga nagsisipagtapos.

Depensa ng isa sa mga estudyante sa kanyang comment sa Tiktok video noong June 9, 2023: “Required po sa’min to do an act after giving the diploma. Cool po ‘yung school namin and nakikisabay.”