Sabit sa saranggola! Helicopter napilitan mag-emergency landing

Kinailangan na magsagawa ng emergency landing ng isang helicopter matapos itong sumabit sa isang saranggola noong Huwebes.

Kinailangan na magsagawa ng emergency landing ng isang helicopter matapos itong sumabit sa isang saranggola noong Huwebes.

Ayon kay Police Master Sergeant Ronilo Olasiman, sumabit ang tali ng isang saranggola sa propeller ng helicopter.

Kaya naman napilitan ang piloto na mag-emergency landing sa isang bakanteng lote sa Guindulman, Bohol.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente, at hindi rin nakitaan ng sira ang helicopter.

Makalipas ang 10 minuto ay nakabalik na ulit sa himpapawid ang helicopter.