Sabi nang sa bahay na lang mag-shot! 51 liquor ban violators, timbog sa PNP

May mga pasaway pa rin talaga. Bagaman bawal, may kabuuang 51 indibidwal na ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa liquor ban, na matatapos mamayang hatinggabi.

Arestado ang 51 indibidwal na nahuling lumabag sa liquor ban ni ibinaba kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election (BSKE) nitong Lunes, Oktubre 30.

Iyan ang iniulat ng Philippine National Police (PNP) na naatasang ipatupad ang liquor ban para sa BSKE na nagsimula noong Oktubre 29 at tatagal hanggang hatinggabi ng Oktubre 30.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ang mga naaresto ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“The liquor ban, in effect since yesterday and lasting until midnight today, is being actively enforced,” pagtitiyak ni Acorda sa press briefing.

Nauna nang nagpaalala si Acorda na sa bahay na lamang muna mag-inom ang mga may gusto.