Sa wakas, naibalik na rin sa OG Dabarkads ang karapatan sa sikat na pangalan! TAPE at GMA-7, pinagbawalan ng gamitin ang ‘Eat Bulaga’ ng korte

Ayon sa Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch No. 273, hindi napatunayan ng TAPE na sa kanila galing ang “EB,” “Eat Bulaga,” at Eat Bulaga jingle. Hindi rin nito napabulaanan na si Joey de Leon ang nakaisip ng mga naturang trademark.

Nanumbalik ang isang libo’t isang tuwa ng masugid na tagahanga ng longest-running noontime show sa Pilipinas ngayong Sabado ng tanghali, Enero 6, matapos muling dalhin ng OG Dabarkads ang pangalan at jingle ng EAT BULAGA sa kanilang pag-ere sa TV5.

Kinatigan ng Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 273 ang TVJ na pag-aari nila ang pangalan at copyright na EAT BULAGA, at pinagbawalan na ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at GMA-7 na gamitin ang mga trademark na “EB,” “Eat Bulaga,” at Eat Bulaga jingle sa mga palabas nito.

“As such, the court prohibited TAPE and GMA from using the trademarks ‘EB’ and ‘Eat Bulaga’, the Eat Bulaga jingle, from its shows,” paliwanag ng RTC sa desisyon nito na ibinaba noong Disyembre 2023.

Kaugnay niyan ay ginamit na rin ng TVJ ang mga nasabing trademark dahil hindi naman napatunayan ng TAPE na sa kanila galing ang mga ito.

“In view of defendant TAPE’s failure to make a categorical and specific denial of the claim of Joey that he coined, formulated, and worded the title Eat Bulaga, including the specific explanation how such a portmanteau was created, given the millions of words in the dictionary, the court, therefore, rules that plaintiffs have successfully proved and established, by preponderance of evidence, that Joey and his co-plaintiffs Tito and Vic should be credited with the formulation and creation of the mark Eat Bulaga,” paliwanag pa ng korte.

Maliban sa TV5, umeere na rin ang programa sa CNN Philippines tuwing weekends.