Sa wakas! Kathryn, Alden reunion kasado na

Hindi maitago ng mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kanilang excitement sa posibilidad na muling pagtatambal pelikula ng dalawa.

Hindi maitago ng mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kanilang excitement sa posibilidad na muling pagtatambal pelikula ng dalawa.

Sa Facebook kasi, ibinahagi ng Star Cinema ang isang movie poster ng bagong pelikula na kanilang iaanunsyo sa Linggo.

Nakalagay kasi sa naturang larawan ang salitang “Hello.” Matatandaan na isa sa mga bumentang palabas ng dalawa ang “Hello, Love, Goodbye.”

“OMW! Can’t wait to say “hello” when we meet again this Sunday, May 19, 6PM (MNL time),” nakasaad sa caption.

Dahil dito, marami sa mga KathDen fans ang nag-react:

“Part 2 na ba???”

“Hello Love Forever na yan di na goodbye.”

“Spain is waiting Kathden kaway kaway.”

“Excited na ako, manonood talaga ako niyan. Kathden.”