Sa ikauunlad ng bayan, magandang mga airport ang kailangan: PBBM, nahikayat ang Malaysian retail group na mamuhunan sa bansa sa pagtatayo ng duty-free shops sa mga airport

Nagpahayag ng interes ang Malaysian retail specialist na Valiram Group na mamuhunan sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga duty-free retail shops sa mga Paliparan.

Tinitingnan ng Malaysian retail specialist na Valiram Group na palawakin ang operasyon nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga airport outlet na magpapalakas ng duty-free retail tourism sa bansa.

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Valiram Group sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore noong Sabado, Setyembre 16, kung saan sinabi ng mga negosyante na nasa listahan nila ang Pilipinas sa kanilang planong pagpapalawig ng operasyon sa buong Southeast Asia sa susunod na limang taon.

“We are looking to bringing the success that we have in Southeast Asia, outside the Philippines, and into the Philippines. You know, we now have a net worth of over 500 stores. And some brands are not yet represented in the Philippines and so we’ve been working hard and with everyone’s support and guidance, we’re looking forward to expanding very quickly,” sinabi ng isang Valiram official sa pulong nila sa Pangulo.

“Things like… complementing Victoria’s Secret, Bath and Body Works, and some of our partners’ work in Southeast Asia have expressed interest. Their business is small, currently in the Philippines. And they want to see if we can help us over there and try and amplify them in the local market,” dagdag pa nila.

Nagalak ang Pangulo sa mga sinabi ng Valiram Group, at hinikayat pa ang pagpasok sa bansa dahil malaking bahagi ng ekonomiya ang tinatawag na retail business, lalo na kapag kasabay nito ang muling sumisiglang industriya ng turismo.

Nakuha pang magbiro ng Pangulo sa mga kasama nito sa pulong tungkol sa kakayahan ng mga Pilipino na maglabas ng perang panggastos.

“It’s an important sector of the economy. It’s what’s driving the economy now, it’s consumer spending. I always say this: not all Filipinos are Ilocanos. Ilocanos don’t spend,” pabirong hinirit ng Pangulo.