Sa harap ni PBBM, Zubiri at Romualdez nagkasundo: Word war ng Kongreso, Senado tigil muna

Nagkasundo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Nagkasundo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ayon kay Zubiri, naganap ang kasunduan nila ni Romualdez sa ika-100 kaarawan ni dating Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kung saan dumalo ang dalawa kasama si Pangulong Marcos.

Sa harap ng Pangulo ay nagkamayan ang mga lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso at napagkasunduan na itigil na ang bangayan at sa halip ay propesyunal na magtrabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Good news, I talked today with Speaker Romualdez and agreed to work professionally and stop the ongoing squabble for the benefit of the administration and the Filipino people,” ani Zubiri.

Nangako rin aniya ang dalawang lider na muling magpulong sa susunod na linggo upang talakayin at ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang panig.

Matatandaang nagsimula ang hidwaan ng Senado at Kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative.