Ryza Cenon nagbigay pugay sa cancer, alopecia patients

Nagbigay pugay ang aktres na si Ryza Cenon sa mga pasyenteng lumalaban sa sakit na cancer at alopecia.

Nagbigay pugay ang aktres na si Ryza Cenon sa mga pasyenteng lumalaban sa sakit na cancer at alopecia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ryza ang kanyang ganda sa kanyang bagong mga litrato, kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong ahit na ulo.

Lalo pang umangat ang ganda nito sa kanyang make up at suot na beads earrings.

Caption ni Ryza: “I admire all who’s going through a lot in their lives, who needs to lose their hair just to fight for their lives. You are a warrior!”

“Shout out sa mga cancer patients na nag undergo ng chemotherapy, sa mga may alopecia, & under depression. Keep on living your life fully everyday because you matter,” dagdag pa nito.

Si Ryza ay nag-ahit ng kanyang buhok para sa kanyang papel sa horror film na “Lilim,”

Makakasama niya dito sina Heaven Peralejo, Eula Valdez, Nicole Omillo, Phoebe Walker, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna, Gold Aceron, at Skywalker David.

TINGNAN: