Ruling Lakas-CMD naglabas ng manifesto ng suporta sa liderato ni Speaker Romualdez

Sa gitna ng lumulutang na ulat ng pagpapalit diumano ng lider ng House, tiniyak ng Lakas-CMD ang kanilang “unwavering support” kay Romualdez bilang party president at bilang lider ng Mababang Kapulungan.

Pinagtibay ng ruling majority bloc Lakas-CMD ang kanilang suporta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng lumulutang na ulat ng pagpapalit ng liderato sa Kamara de Representantes.

Sa isang manifesto na nilagdaan ng mga miyembro ng Partido sa pangunguna ni House Majority Leader, Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe at Executive Vice President ng Lakas-CMD, iginiit nito ang kanilang suporta kay Romualdez.

Ang manifesto ay pirmado ng 91 sa 94 members ng Lakas-CMD sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasama si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiniyak ng Partido ang kanilang “unwavering support” kay Romualdez bilang party president at bilang lider ng Mababang Kapulungan.

“We, the members of the Lakas-CMD in the House of Representatives, stand united in our resolve to defend the integrity of our esteemed Speaker, the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, against the unfounded criticisms levied upon him in the context of the people’s initiative to amend the 1987 Constitution,” saad sa manifesto.

Binigyang diin pa rito ang matagumpay na pamumuno ni Romualdez upang maipasa ang mahalagang panukalang batas na naglalayong mapalago ang ekonomiya ng bansa at makalikha ng maraming trabaho upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“With him at the helm, the House has adopted a more activist role in nation-building, exemplified by our intensified oversight function, combating economic disparities and supporting the government’s efforts against drug trafficking and other societal challenges.”

Kasabay nito ang panawagan ng partido sa lahat ng sector na magkaroon ng produktibong pag-uusap at pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.