Ruffa Gutierrez umaming dyowa si Herbert Bautista!

Sa wakas ay umamin na si Ruffa Gutierrez na in a relationship siya kay Herbert Bautista.

Sa wakas ay umamin na si Ruffa Gutierrez na in a relationship siya kay Herbert Bautista.

Sa panayam ni Karen Davila kay Ruffa kasama ang mga anak nitong sina Lorin at Venice, nabuking na seryoso ang relasyon ng aktres at ng dating politiko.

Ayon kay Venice, masaya ngayon ang kanilang ina sa piling ng current partner nito.

“Her current partner now, he’s lovely, he’s a nice guy, he suits her really well, and she is ecstatic about him. Of course, I’m very happy for and again if she’s happy, I’m happy,” wika ni Venice.

Pagkumpirma naman ni Ruffa, totoong si Herbert ang kanyang karelasyon.

“It’s always serious. “I think now it’s just better that, a quiet personal life leads to more happiness. I’ll never go into a relationship that’s not serious. I’m always the serious type,” saad ni Ruffa.

Wika ni Ruffa, nagsimula silang magka-developan ni Gutierrez noong 2020 sa shooting ng ‘The House Arrest of Us’.