Ruffa Guiterrez nagpa-Throwback sa pagkapanalo sa Bb. Pilipinas World

Inalala ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang crowning moment niya bilang Binibining Pilipinas World, 31 taon na ang nakakalipas.

Inalala ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang crowning moment niya bilang Binibining Pilipinas World, 31 taon na ang nakakalipas.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa ang ilang throwback photos sa pagkapanalo niya sa Binibining Pilipinas World 1993.

“Balik tanaw… 31 years ago. 👑 18-yr old me when I was crowned Binibining Pilipinas World 1993 at the Araneta Coliseum. 👸🏻❤️👑” saad ni Ruffa sa kanyang Instagram post.

“Time flies indeed, #BinibiningPilipinas60, BBP60GrandCoronation,” pahabol pa ni Ruffa.

Matapos masungkit ang Philippine sash, naiuwi naman ni Ruffa ang second princess sa Miss World competition sa kaparehang taon.

Isa si Ruffa sa mga stellar hosts ng Binibining Pilipinas 2024 Grand Coronation night na gaganapin sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

TINGNAN: