Row 1 siguro tong si Cong! Mambabatas: Isama ang mga Kadiwa stores sa food stamp program ng gobyerno

Pangunahing katuwang ng gobyerno sa pagpapatupad ng Walang Gutom 2027 Food Stamp ang mga Kadiwa center, subalit lubos na mas kaunti unti kumpara sa 300,000 pamilya na nais tulunang ng programa.

Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kausapin ang mga private establishments na payagan ang paggamit dito ng mga food stamp na ipamamahagi ng gobyerno sa ilalim ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, ang kaniyang panawagan ay dahil sa limitadong bilang ng mga tindahang pinatatakbo ng pamahalaan kagaya ng Kadiwa at ang mga rolling stores ng Department of Trade and Industry (DTI). Dahil dito, konti lamang ang ganap na makikinabang sa naturang programa, lalo’t kung pagbabasehan ang target ng gobyerno na 300,000 na pamilya.

Ang mga Kadiwa center ang pangunahing katuwang ng gobyerno sa pagpapatupoad ng Walang Gutom 2027 Food Stamp Program nito. Katulong rin ng gobyerno ang ibang mga micro, small, at medium enterprises at piling supermarket.

“Instead of spending to build more of these government stores, it is much less costly to accredit and involve already established supermarkets, groceries and drugstores for the EBT (electronic benefits transfer card) rollout,” paliwanag ni Chua sa isang pahayag.