ROTC Bill tututukan sa pagbabalik sesyon ng Senado

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na uunahin nilang asikasuhin ang panukalang Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Act sa oras na magbalik ang kanilang sesyon sa Abril 29.

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na uunahin nilang asikasuhin ang panukalang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act sa oras na magbalik ang kanilang sesyon sa Abril 29.

Sa kanyang pahayag ngayong Lunes, hiniling ni Zubiri sa kanyang mga kapwa senador na pagbotohan na kung pabor ba sila sa pagbuhay ng ROTC o hindi.

“Sabi ko nga kung meron akong mga kasamahan na hindi sangayon sa ROTC, magboto na lang po sila. Ibigay na lang po nila ang boto nila kasi sa tingin ko mas marami po ang gusto ng ROTC dun sa Senado. So, let’s give the bill a chance. We’ll vote on it. Whether it passes or not but we will prioritize it this coming May before the sine die break,” saad ni Zubiri, na kaka-promote lamang bilang Lieutenant Colonel sa reserve force ng Philippine Army.

Ayon pa sa senador, mas maraming benepisyo ang pagbuhay sa ROTC dahil tuturuan nito ang mga estudyante na mapayaman pa ang kanilang mga abilidad.

“The AFP has decided to come up with other divisions in the ROTC program. If you are computer experts, so you are in the anti-cyberhacking division of the reservist force. Engineering students will be tapped to assist in engineering programs of the AFP, and nursing students in the medical corps,” paliwanag niya.

“So, it will enhance your skills. It will be in tune with the times and I think we should be ready for any eventualities, especially with the tensions that we are feeling around the external areas of the Philippines. We must be ready at all times to defend our motherland, our beloved country, the Philippines,”dagdag pa ng senador.

Ang ROTC bill ay isa sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.

Noong Disyembre, lumabas sa isang Pulse Asia survey na 77% ang mga boto sa pagbuhay sa ROTC, habang 10% lamang ang tutol.