Rosmar nanghingi na rin ng tawad: Na-‘trigger’ lang talaga ako

Nanghingi na rin ng tawad ang internet personality at content creator na si Rosmar Tan.

Nanghingi na rin ng tawad ang internet personality at content creator na si Rosmar Tan.

Kamakailan kasi ay nasangkot sa kontrobersiya si Rosmar, kasama ang isa pang personalidad na si Rendon Labador sa isang event sa Coron, Palawan.

Nag-viral ang isang video kung saang sinigaw-sigawan ni Rendon ang babaeng staff dahil sa pagsasabi kg kung anu-ano sa social media.

Paliwanag ni Rosmar sa Facebook, na-trigger lang siya kung kaya’t hindi niya napigilan anv kanyang emosyon.

“Guys pasensya na na trigger lang talaga ako at may mali din talaga pero nakasama din talaga namin si kuya rendon at mabait din naman talaga sya. hayaan nyo sermonan natin HAHAHA,” pahayag nito.

Aniya pa, nakausap na niya ang kanyang mga kasamahan sa Team Malakas upang maitama ang kanilang pagkakamali.

“Nag usap usap na kami Team Malakas para maiayos mga mali na nagawa namin. Again pasensya na po sa mga naapektuhan,” dagdag pa nito.